Kwadro Alas Book 1 Chapter 1 - SuperToyantz - Find-and-Read

Recent Posts

Post Top Ad

Responsive Ads Here

Post Top Ad

Responsive Ads Here

Monday, December 4, 2017

Kwadro Alas Book 1 Chapter 1 - SuperToyantz



Chapter 1 - Ace of Hearts - Aldrin
Lunes ng umaga.. Pinagmamasdan ni Alona ang natutulog na anak.. Di pa rin naaalis ang ugali nitong pagsipsip sa hinlalaki.. Dahan dahan nyang inalis ang daliri at gising ang bata.
Tumihaya lang ito at umungol..Napahagikg ik ang na lang si Alona dahil kuhang kuha nito ang estilo ng ama kapag ginigising.. Hatalang nagtutulog tulugan lamang ang anak..
"Anak.. Bangon na.. Enrollment day nyo na ng mga kaibigan mo.. Ayaw mo bang maging mag classmate kayo?.." wika ni Alona sa anak.
Unti unting nagmulat ng mga mata si Aldrin.. Ang nakangiting mukha ng ina ang nabungaran nya..
"Morning mom.."..nakangiting bati ni Aldrin sa Ina..
Kiniliti ni Alona ang anak kaya napilitang bumangon si Aldrin at tumalon sa kama..
"Hep hep.. !.. " sabi ni Alona sabay salubong ng kilay at nguso sa magulong kama ng bata..
Napakamot ng ulo si Aldrin at nakangising inayos ang kama..Pero dinamba sya ng nanay nya at pinanggigilan..
"Waa...ambaho mo anak.. Amuy panis na laway ka!..di ka na baby !.." sigaw ni Alona at patuloy lang sa pagtawa si Aldrin..
"Mommy si Daddy?.." tanong ng bata..
"Ayun.. Excited na pumasok.. Kanina pa umalis.. Hala sige na.. Ligpitin mo na ang kama mo at bumaba ka na para mag breakfast.." sabi ni Alona sa anak..
"Yes Mom!.." pagsunod ng batang si Aldrin..
Alas diyes ng umaga.. Naka ligo na at bihis na rin si Aldrin.. Hinihintay nya na lang ang ina na abala pa sa kusina.. Tahimik lang syang nanunuod ng cartoons sa TV ng makarinig ng tatlong sunod sunod na busina ..
"Ayan na sila anak...Get your things na !.." sigaw ni Alona buhat sa kusina..
"Tapos na po mom!..".. sigaw din ni Aldrin habang nanatiling nakatutok ang mga mata sa TV..
Bumukas ang pinto at pumasok sina Rhoi at Darius..
"Hoy tara na!.." yaya ni Darius kay Aldrin..
"Teka si Mom.. Mom tara na daw po ! .. " sigaw ni Aldrin at tumayo na rin..
"Ngak !.. Ben 10?.. eh pambata yan eh?.." alaska ni Rhoi at nagtawanan ang dalawa..
"Helloooo.. Bata po kaya tayo.." sabi naman ni Aldrin..
Lumabas mula sa kusina si Alona at nakangiting inaya na ang mga bata... Nasa labas na ang iba sakay sa van nila Darius..
After 1 hour ay magkakatabing nakaupo ang mag kakaibigan.. Nasa loob sila ng classroom.. Kakatapos lang nilang mag enroll at hinihintay na lang nila ang mga nanay nila na abala pa sa pakikipagkwentuhan sa ibang mga nanay..
"Oy.. Ayus tong room natin ah..Daming laruan o.." puna ni Rhoi..
Lumibot ang mga mata nung magkakaibigan at napansin nila ang isang batang babaeng tahimik na nakaupo at kumakain ng sandwich...Titig na titig si Darius sa bata..
"Ham and Bacon Sandwich.. with a little of cheese.." parang wala sa sariling sabi ni Darius habang nakatitig sa kinakain ng batang babae ...
Namangha yung tatlo sa angking abilidad ng kaibigan nila.. Pero di nila napigilan ang pagtawa nila..
"Oy .. Baka malusaw na yung bata.. Crush mo?.." sita ni Aldrin kay Darius..
Biglang nag blush ang kaibigan nya at umiling ng matindi..
"Ngek !.. Wag ka nga magsalita ng imposible.. Look nyo kaya o.. Ampangit !..." turo ni Darius sa bata sabay tawa..
Nakigaya na rin ang mga kaibigan nya.. Biglang tumayo si Romeo at umupo sa mesa ng teacher at nag pose ng strikto..
"Okay class.. Our lesson for the day is cartoons.. Who is the pink bestfriend of Spongebob!.." sabi ni Romeo sa mababang boses..
"Patrick !.." sabay na sabi ni Darius at nung batang babae..
Inasar nung tatlo ang kaibigan nila.. Tinawag ni Romeo yung batang babae at pinalapit sa kanila.. Biglang tumayo si Darius pero pinigilan sya ni Rhoi.
"Hello.. Anung name mo?.." tanong ni Aldrin sa bata.
Parang nahiya pa yung bata kaya inalok nila ito ng upuan sa tabi ni Darius...Lalong nagwala ang kaibigan nila at tawa sila ng tawa..
"My name is Dannica..Nice to meet you.." nakangiting pakilala nito sabay titig ng malagkit kay Darius..
Tumalikod sila Romeo at Aldrin upang itago ang pagtawa nila... Maging si Rhoi ay nais na ring sumabog sa tawa pero hawak nya ang balikat ni Darius upang wag itong tumakbo..
"Ah.. Cute naman ng name mo.. Ngapala.. Gusto ka kasi makilala ng friend namin.. Ayan o si Darius.." pigil ang tawang pakilala ni Aldrin ..
Nanlaki ang mga mata ng kaibigan nila at kanda iling ang ginawa.. Halatang ayaw nitong tingnan ang katabing batang babae..
"Hi.. Cute naman ng name mo..Ay.. Parehas tayung letter D..." parang kinikilig nitong sabi..Lumabas ang sungki sungki nitong ipin.. Parang nandiri si Darius at nanginig..
Nagbungisngisan ang mga kaibigan nya..
Parang mahihimatay na si Darius ng iabot nito ang kamay sa kanya upang makipag hand shake..
Tawa ng tawa ang tatlo...
"Tabi na daw kayo from now on.." sabi ni Rhoi at lalo silang nagtawanan..
Gumulong ang tatlo sa kakatawa.. Pinabayaan na lang nila si Darius na makipag usap sa bata ... Binusisi nila ang buong room nila..Si Romeo ay kinalikot ang lamesa ng Teacher.. Si Aldrin ay nagbulsa ng laruan.. Si Rhoi naman ay sumilip sa bintana..
Di nagtagal nagulat sila ng may mabasag..Agad silang napatingin kay Rhoi na tulala rin..
"Hala ka. !.." sabay sabay na sabi nung apat kay Rhoi..Mabilis pa sa alas kwatro na umalis ito sa tabi ng bintana at tumabi kay Romeo..
"Bakit parang natulala ka dun?.. Hala.. binasag mo yung windor.. Pero don't worry since we are your friends.. " putol ni Romeo sa sasabihin nya..
Napatingin si Rhoi at nagliwanag ang mga mata..
"Since were friends .. di nyo sasabihin kay Mom ? .. o kaya sa Teacher?.." umaasang sabi nito..
"No.. Since we're friends .. We will give you time to make iyak before we make sumbong.." sabi ni Romeo at biglang nag tawanan ang apat sa kanya..
Maya maya natigil ang asaran nila ng dumating na ang nanay ni Darius upang umuwi na... Biglang tumakbo si Darius at yumakap sa ina.. Nagtaka naman si Annette pero di na lang inintindi dahil baka nag aasaran lang ang mga magkakaibigan..
Sa bahay nila Aldrin dumiretso sila Romeo at Rhoi upang makipag laro.. Di na sumama si Darius sa kanila dahil napikon..
"Grabe.. Kita mo si Taba? .. Parang hihimatayin na eh..HAHa.." tawa ni Rhoi sabay talon sa kama ni Aldrin..
Sumunod si Romeo at naghampasan sila ng unan..
"Oy.. Magagalit si Mommy pag magulo bed ko.. Alis kayo dyan !.." saway ni Aldrin pero tinawanan lang sya ng mga kaibigan nya..
Napansin nilang masinop sa gamit si Aldrin kaya naisipan nila itong guluhin..Kinalikot ni Rhoi ang mga toys ng kaibigan nya habang si Romeo naman ay sa mga drawers nangalkal..
"Hanep o.. may dictionary!.. Marunong kang gumamit nito?.. " tanong ni Rhoi sa kaibigan..
"Hindi.. Display lang yan dyan sa study table ko para naman magmukha akong matalino.." sabi ni Aldrin at nagtawanan sila..
Tahimik lang si Romeo na nangangalkal ng may makita syang kahon.. Kinuha nya ito at binuksan.. Kumunot ang nuo nya ng makita ang laman sa loob.. Kwintas na yari sa sinulid at may palawit na papel na may Initials..
"Psst.. Anu to?.." sabi ni Romeo sabay taas ng kwintas..
Nanlaki ang mga mata ni Aldrin sabay sugod sa kaibigan nya..
"Akina yan !.. " sigaw nito pero mabilis na iniwas ni Romeo ang kamay nyang may hawak..
Tumawa lang si Rhoi at pinanuod ang pag aagawan ng mga kaibigan nya..
"Akina !.. Isa !.. Wag yan Pls.." makaawa ni Aldrin..
Tawa ng tawa si Romeo pero nakita nyang parang napipikon na ang kaibigan kaya ibinalik nya ang kwintas sa kahon at inabot ito kay Aldrin.. Agad namang hinablot ng kaibigan nya ang kahon at galit na tinago ang kahon sa dating lalagyan..
"Oy pre sorry..Kanino ba yon?." tanong ni Romeo ..
Di sumagot si Aldrin pagkat parang sumakit na naman ang puso nya ng makita ang kwintas ..
"Hala... Iiyak na yan pre.." sabi ni Rhoi sabay tawa..
Tumawa si Aldrin ng peke at humiga sa kama nya..Si Romeo ay umupo sa study chair nya at nangalumbaba..
"Sa espesyal na kaibigan mga tsong.." seryosong sabi nito ..
Nagkatinginan sila Romeo at Rhoi at naisip na wag ng pakialaman ang kwintas na iyon..
Lumipas ang ilang linggo.. Abala si Aldrin sa pagsusulat ng liham.. Ibibigay nya ito sa kaibigan nyang si Lelay.. Nais nyang ikwento dito na masaya sya sa mga kaganapan sa buhay nya.. Gusto nya ring kamustahin ang kababata .. Miss nya na ito .. Tapos na sya sa pagsulat pero may problema sya.. Di nya alam kung anung ilalagay nya sa huling parte.. Kung "Your Friend" ba o "Love" na lang..Napangiti si Aldrin at pinili ang Love..Tinupi nya na ang papel at inistapler.. Takbo sya sa baba nila upang hanapin ang nanay nya.. Natagpuan nya ito sa salas kasama ang kanyang ama at abala sa panunuod ng DVD..
"Mom.. Mom !!.." sigaw ni Aldrin..
Napatayo ang mag asawa at nagulat sa paghangos ng kanilang anak..
"Why anak?.. " takang tanong ni Nestor..
"Dad.. Anung address natin sa province?... Sinulatan ko si Lola at si Lelay.." sabi ni Aldrin at pinakita ang mga nagawang sulat ..
Natawa ang mag asawa pag selyadong selyado ng staplers ang isang sulat..
"Eh kanino to?.. Bakit parang ayaw mo namang ipabasa?.." asar ni Nestor..
Ngumuso lang si Aldrin at bumaling sa Ina.
"Mom..dali na kasi.. Dadating na yung mailman eh. !." reklamo ni Aldrin kaya natawa si Alona..
"Ako na ang mag susulat anak.. Dapat may sobre tsaka selyo.. Di yan makakabot .. Baka itapon lang ng mailman yan sa basurahan.." pang aalaska pa ni Nestor sa anak..
Inirapan lang ni Aldrin ang ama at yumakap sa ina..
"Mom pls.. Gusto ko na kamustahin sila don eh.." paglalambing ni Aldrin sa ina..
Natawa naman si Alona at kinuha ang dalawang liham sa anak at kumuha ng sobre..
"Oh ayan.. May address na .. Parehong address na lang ang nilagay ko sa dalawang sulat mo.. Nakow .. Parang alam ko na kung kanino ang isa.." tukso ni Alona sa anak..
Mabilis na bumaling ng tingin si Aldrin pagkat nahihiya sya sa ina..
Nagtawanan ang mag asawa at pinagitnaan ang anak nila..
"Aba naman itong anak ko.. Chickboy o.. Makarating naman kaya kay Lelay yan ha anak?..
Pabasa nga muna labs.." sabi ni Nestor sabay hingi ng sulat sa kabiyak..
Pinigilan ni Aldrin ang pagkuha ng ama sa sulat nya kaya nagtawanan ang mag asawa..
"Confidential ba anak?.. Mukang nagtapat ka na sa sulat mo ah.." pang aalaska pa ng ama sa anak nya..
"Anu ka ba labs.. Hayaan mo nga lang yang anak natin.. " nakangiting niyakap ni Alona ang anak..
"Thanks MOmmy.." yumakap na rin si Aldrin sa ina at inirapan ang ama..
Napakamot na lang ng ulo si Nestor at niyakap ang mag ina nya..
Lumipas ang ilang linggo at malungkot si Aldrin..Nanatiling walang sagot sa sulat na binigay nya kay Lelay.. Natanggap nya na ang letter galing sa Lola nya at sinabing okay naman daw sila duon.. Miss na din daw sya ng mga ito.. Nasagot na rin nya ito ng isang beses at muling sumulat kay Lelay.. Nakadalawang sulat na sya sa kababata pero wala parin itong sagot..
Nakadungaw sya sa bintana nila at inaabangan ang mailman.. Tuwing sabado kung dumating ito kaya naman nakahanda na sya ... Maya maya ay nagliwanag ang mukha ni Aldrin ng makita sa malayo ang mailman na nagpapasok ng sulat sa bahay nila Darius.. Agad syang tumakbo pababa at lumabas ng bahay.. Di pa naipapasok ng kartero ang mga sulat sa mailbox nila ay inabot na ito ni Aldrin..Natawa na lang ang kartero at ginulo ang buhok ng bata..
Excited na pumasok si Aldrin at inisa isa ang mga sulat.. Ang excitement na nararamdaman nya kanina ay napalitan ng lungkot ng makita ang huling sulat at wala ang ang inaasahan nya.. Di na naman sumagot si Lelay.. Pulos mga business letters iyon para sa ama at isa para sa galing sa Lola nya..
Malungkot na nilapag ni Aldrin ang mga sulat sa center table ng salas nila at umakyat muli sa kwarto.. Binuksan nya ang drawer nya at nilabas ang brown na kahon..
Napabuntong hininga ang bata at dahan dahang binuksan ang kahon.. Tinitigan nya ang laman at muling nanariwa sa kanya ang imahe ng nag bigay sa kanya ng kwintas na iyon... Di na pinigilan ng bata ang emosyon at pumatak na ang luha sa kanyang mga mata.. Wala namang nakakakita sa kanya.. Wala ang mga kaibigan nyang malakas mang alaska.. Tanging sya lamang ang laman ng kwarto .. Binuhos ni Aldrin ang lungkot at pinabagsak ang tinipon luha sa pagka alala sa kababata..
Sa labas ng kwarto nakasilip ang mag asawang Nestor at Alona.. Naaawa sila sa kanilang anak..
"Should we tell him?.. " tanong ni Alona sa kabiyak..
Pinagmasdan ni Nestor ang anak at niyaya ang asawa sa kwarto nila..
"I think we should not.. Bata pa ang anak mo.. Baka maging masamang karanasan lang sa kanya ang mga malalaman nya.." malungkot na sabi nito..
"Pero matatag ang anak natin .. Alam kong kakayanin nya ito.. Kailangan nyang malaman na bumabalik lang ang lahat ng mga sulat nya.. I don't know why.." sabi ni Alona at di na mapigilan ang pag iyak..
Niyakap ni Nestor ang asawa..
"Let him overcome this my love.. If they are meant to be, they will meet someday.. I know.. Mas ok na ang umasa sya na balang araw ay magkikita sila..Come on.. Rest ka na.." sabi ni Nestor sabay halik sa noo ng asawa..
Pinahiga ni Nestor ang asawa at kinumutan.. Hinagkan nya ito sa mga labi at tinabihan sa pagtulog..
Lumipas ang ilang minuto ay dahan dahang tumayo si Nestor.. Sinilip nya muna ang asawa bago lumabas ng kwarto.. Dumiretso sya sa kwarto ng anak at nakita nya itong natutulog ng may natuyong luha sa mga pisngi.. Binalot ng matinding awa ang puso nya para sa anak.. Pero mas makabubuting di nito malaman ang buong katotohanan.. Kinumutan nya rin ang anak at umalis na sa kwarto nito..Bumaba sya sa sala at nagpunta sa mini office nya.. Sinilip nya ang malaking shelf ng libro.. Humatak sya ng bangko at inabot ang tuktok nito...Parang may kinakapang kung ano..
Ng mahagip ng kamay nya ang isang kahon.. Agad nya itong ibinaba at umupo sa silya nya .. Binuksan nya ang kahon at tumambad sa kanya ang 3 sobre.. 2 sulat galing kay Aldrin.. 1 galing sa kanyang Ina.. Muli nyang binasa ang huling sulat ng kanyang Ina para kay Aldrin.. Bagamat halatang iniiwasan nito na masaktan ang apo sa nilalaman ng sulat .. Sa tingin nya ay talagang masasaktan pa rin ang kanyang anak kapag nalaman nito ang totoo..Muling naramdaman ni Nestor ang pamumuo ng mga luha sa kanyang mga mata.. Agad nya itong pinahid at may hinugot sa bula ng shorts nya..
Sulat galing kay Lelay..
ITUTULOY !!!

No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Responsive Ads Here